Fully vax individuals sa Catanduanes, umabot na sa mahigit 167K

BNFM BICOL—Umabot na sa kabuuang 366,565 na mga indibidwal ang bakunado na kontra COVID-19 sa lalawigan ng Catanduanes batay sa pinakahuling datus ng Provincial Health Office.

Mula sa nasabing bilang, 199,549 sa mga ito ang naturukan na ng first dose ng bakuna na katumbas ng 90% ng current target population.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Nasa 167,016 na rin na mga indibidwal ang fully vaccinated na katumbas naman ng 75% ng target na mabakunahan.

Read More:  Heavy rains trigger flooding, damage dikes in parts of Gensan, Soccsksargen

Sa kabuuan, pumalo na sa 60% ang vaccination coverage ng islang probinsya habang nasa 29,391 naman ang mga residenteng tumanggap na ng booster shots.###