BNFM BICOL—Tuloy-tuloy na nakakapagtala ng mababang kaso ng COVID-19 ang Bicol region.
Kahapon araw ng Huwebes, tanging isang bagong kaso lamang ng sakit ang naitala sa rehiyon, at mula ito sa bayan ng Baras sa lalawigan ng Catanduanes.
Tatlo naman ang naidagdag sa bilang ng mga bagong gumaling kung saan dalawa nito ang mula sa Camarines Norte habang isa ang mula sa Sorsogon.
Samantala, nasa 23 naman ang naidagdag sa bilang ng mga nasawi na pawang mula sa Camarines Sur.
Sa kabuuan, umaabot na sa 58,970 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 1,932 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.
Nasa 54,765 na rin ang kabuuang recoveries habang sumampa na sa 2,273 ang mga nasawi.###