Fully vaccinated vs COVID-19 sa Bicol, nasa 17% pa lang

BICOL—Umaabot pa lang sa 17% ng target ang fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Bicol region.

Base sa pinakahuling vaccine statistics report ng Department of Health (DOH) Bicol, 740,673 na ang bilang ng mga completely vaccinated kabilang ang 593,301 na naturukan ng first at second dose at 237,372 na mga nabakunahan ng one shot Janssen vaccine.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Mahigit 100% na ang fully vaccinated sa A1 o mga health workers, 47% sa A2 o mga senior citizens, 59% sa A3 o individuals with comorbidity, 7% sa A4 o uniformed personnel at 0.94% pa lamang sa A5 o Other priorities.

Nasa 25% na ang mga nabakunahan sa parehong first at second dose kung saan umaabot na sa 1,576,374 doses ng iba’t-ibang COVID-19 vaccines ang naibabakuna sa kabuuang 2,291,900 doses na natanggap ng rehiyon.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa ngayon ay puspusan pa rin ang vaccination efforts sa iba’t-ibang lalawigan dahil sa tuloy-tuloy na pagdating ng mga bakuna ngayong buwan.### || slm