Pamilya ng suspek na namaril-patay sa dalawang pulis sa Naga City, may panawagan para sa mga drug dependent at sa PNP

NAGA CITY- Mabait subalit nabago ng iligal na droga ang pagkatao ng suspek sa pamamaril-patay sa dalawang pulis sa Naga City.

Ganito isinalarawan ni Jemelyn Cano , kapatid ni Jericho Cano y Verdejo—ang itinurong suspek sa pamamaril-patay kina PCMS Romeo Padua at PCpl Christian Del Valle sa parehong lungsod noong Oktubre 16, 2021. Ang pedicab driver na si Cano ay namatay din matapos manlaban umano sa pulis sa gitna ng hot pursuit operation.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Matatandaan na base sa record ng PNP dati nang nakulong si Cano dahil sa kasong pagnanakaw at umano’y pagpatay na ayon sa pamilya ay tangkang pagpatay.

Ayon kay Jemelyn, paulit-ulit nilang pinakikiusapan ang kapatid na iiwan na masamang bisyo subalit tila hindi naman ito nakikinig.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kaya naman nais ni Jemelyn na paigtingin pa ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot, mahuli ng mga otoridad at makulong o maparusahan ang mga drug lord na patuloy na sumisira sa buhay at kinabukasan ng maraming Pinoy. Sa mga drug dependent itigil na ang maling gawain.

Kahapon bumisita si Police Regional Director PBGen. Jonnel c Estomo sa labi ni PCMS Padua sa Naga City.