Fully-vaccinated senior citizens, pwede nang lumabas ng tahanan- Palasyo

Pwede nang lumabas ng tahanan ang mga senior citizens na fully vaccinated na laban sa COVID-19 sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ginawa ng  Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang naturang desisyon sa meeting kahapon.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Aniya, mayroong kondisyon ang paglabas ng mga senior ng bahay gaya na lamang ng pagdadala ng duly issued vaccination card at pagsunod sa minimum health protocols.

Read More:  NBI gets new leads on Bato Dela Rosa, continues search for Bantag

Hinikayat din ng kalihim ang mga senior citizens na di pa nababakunahan na magpaturok na ng COVID-19 vaccine.