Nasa mahigit 24% pa lang ng target population sa bayan ng Mexico ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Sa datos na inilabas ng munisipyo as of Nov.16, nasa 40, 068 na indibidwal na sa kanilang lugar ang kumpleto sa bakuna.
Katumbas ito ng 24.61% sa kanilang target population na 162, 808.
Habang ang mga nabigyan naman ng unang dose ng bakuna ay nasa 43.70% na o katumbas ng 71, 147 individuals.
Sa kabuuan nakapag administer na ang Mexico ng 106, 400 doses ng bakuna.
Maaalalang sinabi ni Mexico Mayor Teddy Tumang na maraming residente sa kanila ang ayaw magpa-bakuna ng COVID vaccine.
