10K COVID-19 vaccines, nasayang- DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na nasa 10,000 dose na ng COVID-19 vaccine ang nasayang mula noong sinimulan ng gobyerno ang vaccination program sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, isa sa mga dahilan ng pagkasayang ay ang “temperature excursion” o bumaba o tumaas sa nirekomendang storage temperature na maaaring makaapekto sa efficacy ng bakuna.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sa ibang lugar umano ay may mga nahulog at nabasag, o di kaya’y walang label.

Dagdag ni Cabotaje, pinag-aaralan pa ng DOH ang ibibigay na abiso sa mga rason na to upang maiwasan ang pagkasayang ng mga nasabing bakuna.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na maliit lamang ang bilang ng mga nasayang na bakuna mula sa 40 milyong doses ng bakuna na naibakuna na as of September 17.