Fully vaccinated laban sa COVID 19 sa So.Cot, 50% na ng DOH target

KORONADAL CITY- KALAHATI na ng Department of Health o DOH target population sa South Cotabato ang nababakunahan laban sa COVID 19.

Batay sa datos ng Integrated Provincial Health Office o IPHO noong January 6, umabot na sa 356, 754 ang fully vaccinated sa lalawigan na 50.40% ng DOH target na 707, 868.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ngunit kung pagbabasehan ang projected population ng South Cotabato na 996,843, ito ay 35.79% pa lamang.

Ang mga partially vaccinated ay umabot naman sa 119,241 o 16.85%.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Sa mga fully vaccinated, 9,361 pa lamang o 2.62% ang nakapagpa-booster shot.

Dahil dito, hinihikayat ng IPHO ang mga partially vaccinated na magpabakuna na ng second dose at magpa-booster shot sa mga eligible upang mapalakas ang proteksyon laban sa COVID 19.