1st Omicron case sa So.Cot, case closed na


KORONADAL CITY- CASE closed na ang unang kaso ng Omicron variant ng COVID 19 sa probinsya ng South Cotabato.
Ito ang inihayag ni Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr matapos na nakarecover na noon pang nakaraang buwan ang 15-anyos na lalaki na residente ng Polomolok.

Ayon kay Aturdido na isinailalim sa RT-PCR test ang naturang indibidwal bilang requirement sa kanyang pagbiyahe at nagpositibo noong December 2, 2021.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ang sample nito ay na-qualify para sa genome sequencing.

Nito lamang January 15, lumabas ang resulta na positibo ito sa Omicron variant.

Asymptomatic ang naturang pasyente at na-tag na as recovered.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Wala naman umanong miyembro ng pamilya nito na na-quarantine ang nagpositibo sa COVID 19.

Nanawagan naman si Aturdido sa lahat na huwag maging kampante at patuloy na sumunod sa minimum health standard. Hinihikayat din nito ang mga hindi pa nabakunahan na magpabakuna na upang mapalakas ang proteksyon laban sa naturang virus.