Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang full seating capacity sa public transportation sa ilalim ng Alert Level 1.
Kaugnay nito, hindi narin kailangan ang mga plastic barriers sa mga sasakyan.
Pero paglilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kung ang biyahe ay sa pagitan ng mga lugar sa Alert Level 1 at lugar na may mataas na alert level, ang seating capacity ng mas mataas na alert level ang ipapatupad.
Para naman sa aviation, maritime, at rail public transport na nag-ooperate sa loob at labas ng Alert Level 1 areas, 100 percent narin ang ipapatupd na seating capacity.

Sa gitna nito, ang pag-gamit ng Safe, Swift and Smart Passage (S-PaSS) travel management system ay hindi narin mandatory para sa interzonal travel papunta sa Alert Level 1 areas. //MPT