ASEAN-GCC Summit, tinawag na ‘short, but productive’ ni PBBM

Balik Pilipinas na si Pangulong Bongbong Marcos matapos ang dalawang araw na byahe sa Riyadh Saudi Arabia, para dumalo sa ASEAN-GCC summit.

Sa arrival speech ng Pangulo, sinabi nitong maikli pero naging mabunga ang kanyang byahe.

Read More:  88 areas in the country placed under State of Calamity due to typhoons and Habagat

Inihayag din nito ang mga naging partisipasyon nito sa ASEAN-GCC at mga nauwi nitong accomplishment.

Kabilang na dito ang 4.2billion US Dollar na investment agreement mula sa iba’t ibang kompanya sa Saudi.

Read More:  Padilla calls for social media ban on youth amid rising school violence

Gayundin ang resulta ng bilateral meeting nito sa ilang lider kasama na ang pakikipag pulong kay Kingdom of Saudi Arabia Crown Prince Mohammed bin Salman Al Saud, at Kuwaiti Crown Prince Sheikh Mishal Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah.