COMELEC Chair Garcia – naniniwalang planadong-plano ang di umano’y demolition job laban sa kanya

Naniniwala si Commission on Elections (COMELEC), Chairperson, George Garcia na tila planadong plano ang di umano’y demolition job laban sa kanya.

Kasunod ito sa naging alegasyon ng isang kongresista na tumanggap umano ang isa sa mga opisyales ng COMELEC ng suhol para kunin bilang automated supplier ang South Korean poll tech firm na Miru System bilang pamalit sa Smartmatic.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Ayon kay Garcia, sa kanyang pananaw tila mayroon ding plan A at plan B para rito kung saan ang panghuli rito ay posibleng naglalayon ng speechment laban sa kanya at maging sa mga commissioners nito.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Ngunit sa kabila nito, tiniyak naman niyang nagsasagawa na siya ng aksyon laban dito upang hindi masira ang integridad ng kanilang institusyon.