Former VP Robredo personal nang nakadalo sa ika 10th death anniversary ng asawang si dating DILG Sec. Jesse

NAGA CITY- Muling inaalala ng mga Nagueño ang mga katangian ng isang huwarang lider na mayroon si dating Naga City Mayor at Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse M. Robredo.

Ang dating opisyal ay nasawi sa pagbagsak ng eroplano sa karagatang sakop ng Masbate Province noong 2012. Sa ika-sampung taong anibersaryo ng pagkamatay nito ngayong araw Agosto 18, 2022 may inihandang mga programa kung saan personal nang dumalo ang asawa nitong si dating Vice President Atty. Leni Robredo at tatlong mga anak. Sa kasagsagan kasi ng pandemya hindi nakauwi ang dating VP.

Read More:  NBI seeks CCTV footage of Sen. Bato’s arrival at Senate

Sa mensahe sinabi nitong malaking hamon ang mapanatili ang mga legasiya ng dating kalihim pero nakikita niya parin iyon sa lungsod.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Special Non-Working Holiday ang araw na ito sa Naga sa bisa ng Proclamation No. Proclamation No. 37.

Ang dating kalihim ng DILG ay kilala sa “tsinelas leadership”, kinikilalang icon ng good governance.