Pagsasangla ng mga ATM ng 4Ps beneficiaries, No.1 number 1 sa record ng misbehavior- DSWD 

NAGA CITY—Umabot sa 85 ang naitalang misbehavior o paglabag sa panuntunan ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps mula sa mga benepisyaryo sa Camarines Sur.

Batay ito sa 2022 on going verification ng Grievance Committee ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Bicol sa mga inirereport na violation ng mga benepisyaryo ng naturang programa.

Ayon kay Joy Ann Bisa-Tagum, Regional Grievance Officer Pantawid Pamilyang Pilipino Program DSWD Region V, sa nasabing bilang pinakamataas dito ay ang kaso ng pawning o pagsasangla ng mga ATM ng mga miyembro kung saan umabot ito sa 76. Higit na mas mababa kumpara sa 333 pawning violations para sa kabuuang 425 na paglabag o misbehavior noong 2021.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Subalit para kay Tagum, mataas parin ang bilang na ito dahil patuloy pa ang pagtanggap ng mga reports kabilang ang sa 2021 na karamihan ay may kaugnayan sa pagsasangla ng ATM.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Babala ni Tagum sa lahat ng miyembro na iwasan ang mga paglabag na ito kung ayaw matanggal bilang benepisyaryo ng programa.

Kabilang sa mga maaaring malabag na gawain ng mga 4Ps member ay ang pagsusugal,  misrepresentation, pandaraya, force collection sa kapwa miyembro, mga bisyo gaya ng pag-iinom, disinformation at paggamit ng mal isa bawat grant na natatanggap.