PCG, tiniyak na hindi titigil sa paghahanap ng mangingisdang nawawala sa Subic, Zambales

Tinitingnan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 2 vessels na posibleng tumama umano sa Philippine boat papuntang Subic, Zambales noong July 3 na nagdulot na pagkawala ng isang mangingisda.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, ang isa ay bulk carrier, habang ang isa naman ay cargo vessel.

Parehas umano itong mula sa China, at patungong Indonesia.

Ang alam umaon ni Balilo – nakikipag-ugnayan na ang kanilang Port State Control Officer sa Port State Control ng Indonesia.

Samantala, ongoing pa rin daw ang kanilang search and rescue sa nawawalang mangingisda.

Bagaman wala umano silang nakikita, hindi sila titigil sa paghahanap.

Susubukan din aniya ng ahensya na lawakan pa ang kanilang operasyon.

Mababatid na una nang iniulat ng PCG na pinuntahan ng magkapatid na sina Robert and Jose MondoƱedo ang kanilang “floating aggregate device” sa katubigang sakop ng Sampaloc point.

Kwento ni Robert, binangga ang kanilang bangka ng isang vessel noong July 3, dahilan para lumubog ito at mawala ang kanyang kapatid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *