Former president GMA – planong ma-re-elect bilang kinatawan Pampanga 2nd District

Pormal nang naghain si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng kanyang certificate of candidacy bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga ngayong araw.

Sinamahan si Arroyo sa paghahain ng COC sa COMELEC sa San Fernando City nina Pampanga Governor Dennis Pineda, Vice Governor Lilia Pineda, mga alkalde mula sa District 2 at barangay officials.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Target ng dating pangulo ang reelection para sa ikalawang termino at tatakbo sa ilalim ng partidong Lakas-CMD.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Una nang nilinaw ni Arroyo na wala siyang planong tumakbo bilang senador at hindi na umano siya babalik sa naturang posisyon.

Bahagi umano ng commitment ng kongresista na tugunan ang pangangailangan at mga prayoridad ng kanyang constituents.