Foreign Affairs Sec. Manalo at counterpart sa China na si Wang Yi – nagpulong

Nakipagpulong si Philippine Foreign Secretary Enrique Manalo kay Chinese Foreign Minister Wang Yi, kasabay ng ministerial meeting sa Laos.

Pinagtibay ng dalawang bansa ang pagkilala sa nagdaang kasunduan hinggil sa resupply mission sa Ayungin.

Read More:  Seven suspected vintage bombs found at QC junk shop

Ayon sa diplomatic source, sinabi ni Manalo na kinikilala nila ang provisional agreement sa malinaw at sincere na mga hakbang para mapababa ang tensyon, at subukan at maiwasan ang anumang insidente na magpapalala ng girian.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Maliban dito, ina-acknowledge din umano ng mga ito na ang naturang kasunduan ay hindi makapipinsala sa posisyon sa usapin ng South China Sea.