Mga divers ng PCG – sisisirin na ang area ng pinaglubugan ng MT Terra Nova

Sisisirin ng Special operations force ng Philippine Coast Guard ang lumubog na motor tanker na MT Terranova sa Limay, Bataan na naglalaman ng ng 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil na pwedeng magdulot ng ecological catastrophe.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Ayon kay PCG Spokesman Rear Admiral Armando Balilo, layon ng diving operations na matukoy ang posisyon ng barko at suriin kung may leak ito.

Dagdag pa Balilo, kung magiging matagumpay ang inspeksyon ngayong araw ay sisimulan na agad bukas ang syphoning o pagsipsip sa kargang langis ng lumubog na oil tanker.

Read More:  TRB orders NLEX to explain prolonged traffic caused by flooding in Pampanga

Una nang nagbabala ang PCG na kapag tumagas ang kargamento ay magdudulot ito ng environmental catastrophe at ito ang worst oil spill sa kasaysayan ng Pilipinas.