Inter-agency task force na tututok sa Bataan oil spill, binuo ni Pangulong Marcos

Bumuo na si Pangulong Bongbong Marcos ng inter-agency task force upang tugunan ang epekto ng oil spill sa Limay, Bataan.

Pangungunahan ng Office of the Civil Defense ang inter-agency task force kasama ang Department of Environment and Natural Resources, Philippine Coast Guard, at Department of the Interior and Local Government bilang mga myembro.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kasama rin sa task force ang Department of Health, Department of Labor and Employment at ang Department of Social Welfare and Development.

Inatasan din ng Pangulo ang DENR at ang DOH na magsagawa ng water at air quality test sa mga affected area at sa health and medical condition ng mga residente.

Binigyan naman ng direktiba ang PCG at DILG na suriin ang kalagayan ng lumubog na oil tanker at makipag ugnayan sa mga LGU.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Sinabi rin ng Punong Ehekutibo na mahalagang makipag ugnayan sa mga non-government organization upang mabilis na matugunan ang problema.

Pwede rin anyang magamit ang TUPAD program ng DOLE upang i-organize ang mga residente na magsagawa ng clean-up operations.