Food suppply donations mula sa UAE at China para sa Mayon evacuees, sinimulan nang ipamamahagi ng PGA

LEGAZPI CITY – Sinimulan nang ipamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ang mga food suppply donations para sa mga bakwit ng Bulkang Mayon mula sa mga bansang United Arab Emirates (UAE) at China.

Ipinamahagi na ng pamahalaan katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang mga donasyong food packs supply na mula pa sa Chinese Government – Manila Embassy.

Read More:  BFP personnel arrested over alleged “slots-for-sale” scheme

Kabilang sa nasabing mga donasyon ay ang 4,102 na sako ng 25 kilong bigas, 100 kahon ng labing 12 kilo ng bigas, 50 kahon ng 12 kilo ng harina, 20 kahon ng crackers at flavored biscuits, 30 kahon ng chili hot noodles.

Lahat ng mga nabanggit na donasyon ay ipinamahagi sa mga lugar na kinabibilangan ng Malilipot, Sto. Domingo, Camalig, Guinobatan, Ligao City, Tabaco City, at Daraga.

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Nauna na ring naipamahagi ang mga food packs na galing sa UAE sa kaparehong mga lugar na apektado ngpag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Kabilang sa mga donasyon ang 50 tonelada na pagkain at gamot, kasama na ang bigas, mantika, harina, asukal, at gatas kung saan dumating na ito sa lalawigan.