Food and Non- alcoholic beverages at iba pang commodities dahilan ng pagbaba ng inflation noong Setyembre

CAMARINES NORTE – Nakapagtala ng pagbaba ng presyo ang ilang commodities na naging dahilan naman ng bahagyang pagbaba ng headline inflation noong Setyembre sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa nabanggit na buwan ay naitala ang 6.8 % inflation na mas mataas sa 3. 1 % sa parehong panahon noong 2020 pero mas mababa naman sa 8.0 % noong Agosto.

Batay ito sa Special release report ng Philippine Statistics Authority (PSA) for all income household.

Sa month- on- month comparison naitala ang negative 0.57 % change sa lahat ng items na maaaring naging dahilan ng pagbaba ng presyo ng commodity groups lalo na ang volatile food items sa nasabing panahon.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kumpara noong Agosto, naitala ang pagbaba ng presyo sa Food and Non- alcoholic Beverages group na may negative 1. 36 % (137.7 to137.8).

Sa kabilang dako nagkaroon naman ng minimal price increase sa Health na may 0. 51 %, Clothing and Footwear sa 0.24 % change, Restaurant and Miscellaneous Goods and Services na may 0. 14 % change.

Nagkaroon din ng minimal  price increase sa Housing, tubig, kuryente, Gas and other fuels sa 0.08 % change.

Naitala naman ang stready price index sa Alcoholic Beverages and Tobacco, Recreation and Culture, transport, Furnishings, household equipment and routine maintenance of the house, Communication at Education.

Nananatili naman sa 0.72 ang purchasing power of the peso simula noong Enero ng taong kasalukuyan.

Nangangahulugan ito na ang piso noong noong 2012 ay nagkakahalaga na lamang ngayon ng 72 centavos o kakailanganin ng P139. 6 para mabili ang parehonmg dami ng produkto at serbisyo  sa halagang P100 sa nabanggit na taon.