Floor Manager sa isang videoke bar , timbog sa drug buybust operation na ikinasa ng mga otoridad sa bayan ng Labo

CAMARINES NORTE- Natimbog ng pinagisang pwersa ng mga otoridad ang isang babae na floor manager ng isang videoke bar dakong  alas 11:50 ng gabi nitong Agosto 24, 2021 sa Purok 1, Barangay Masalong, Labo, Camarines Norte

Sa ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad, naapasakamay ng  mga ito ang suspek na si ROSEMARIE PADOLINA y SEVILLENA, 33 anyos, at residente ng nabanggit na lugar.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Nakumspika sa pagiingat ng arestadong personalidad ang isang pirasong katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na buy bust drug; Isang pirasong katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu;

Isang Limandaang Piso at Tatlumpo’t Isang (31) piraso ng pekeng Isang Libong Piso na buy-bust money.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ang mga nakalap na iligal na droga ay tinatayang may kabuuang bigat na humigit kumulang 9.7 gramo, at nagkakahalagang humigit kumulang animnapu’t walong libong piso (Php 68,000).

Kakaharapin ni PADOLINA ang kasong  paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng RA 9165  “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.