First time pension loan borrowers maaari nang mag file ng applications online simula ngayong araw

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Social Security System (SSS) na hindi na kailangang pumunta sa pinakamalapit na branch upang mag file ng application ang mga first time borrowers sa ilalim ng Pension Loan Program (PLP)

Simula kasi ngayong araw, May 30, 2022 ay maaari na nilang gawin ang application online sa My. SSS portal.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Batay ito sa impormasyon mula kay SSS Luzon Bicol Division Senior Communication Analyst Quennie Joy Agsao na ipinadala sa local media via email.

Kung dati ay kailangan pang pumunta ng first time borrowers sa pinakamalapit na SSS Branch ngayon ay mas pinadali na ito dahil maaari nang gawin online.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Hinimok naman ni SSS President at CEO Michael Regino ang retirement pensioners na samantalahin ang low- interest loan na ino- offer ng ahensiya.

Tiniyak din ng opisyal na hindi ire- require ng SSS na i- surrender ang kanilang mga ATM cards bilang pawn collateral hindi katulad ng ilang private loan institutions.