Fireworks related injury sa Camarines Sur, umabot na sa 12

CAMARINES SUR- Umabot na sa 12 ang fireworks related injury sa Camarines Sur base sa tala ng Department of Health (DOH)- Bicol mula December 21 , 2023 hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon, Enero 1, 2024.

Nadagdag sa listahan ang pagkasugat sa mata ng 11-anyos na batang lalaki sa Cagbibi, Pamplona Camarines Sur dahil sa boga. 5 star o tinatawag na “libentador” ang sanhi naman ng pagkasugat ng 34-anyos na lalaki sa Tabuco, Naga. Habang Kwitis sa 54-anyos na lalaki sa Barangay Concepcion Pequeña, gayundin sa 50-anyos an taga Mataoroc, Minalabac at 35-anyos na babae sa Barangay Dayangdang Naga.

Read More:  Wind power firm ordered to halt operations over permit violations
Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Rey Millena, DOH Officer sa lalawigan sinabi nitong nag-ambag ng malaki ang pagbalik sa dati ng lahat matapos ang pandemya kahit na todo naman ang kanilang kampanya.  Sa buong Bicol ang 33 FWRI ay higit na mataas kumpara noong 2020 hanggang 2022.