Nagdagdag ang Ateneo ng isang pang armas para sa kanilang koponan.
Kaugnay nito, inanunsyo ng Ateneo na nakuha nila ang commitment ng Fil-Australian big man na si Mason Amos, na papasok sa Blue Eagles simula sa UAAP Season 86 sa 2023.
Paglalarawan ni Ateneo head coach Tab Baldwin, si Mason ay nagbigay sa kanila ng inside, outside presence at sinabi ito ay big strong, at aggressive player tulad ng maraming Australians are.
Ayon naman kay Mason, maraming mga paaralan ang nag-alok sa kanya, pero ramdam umano niyang ang Ateneo ang lugar na mahahasa siya ng husto, at mag-eexcel sa kanyang edukasyon.

Ang Blue Eagles, na on track para sa fourth straight UAAP title ngayong taon, ay nasa 37-game winning streak mula noong October 2018, at nasa 11-0 naman ngayong season.
Samantala, ang 6-foot-7 na si Amos na anak ng isang Filipino father at Fil-American mother, ay eligible rin umano na makapaglaro para sa Gilas Pilipinas. //MHEL PACIA-TRINIDAD