Blinken: Russia, bumabagsak sa war aims, Ukraine succeeding

Kumbinsido si U.S. Secretary of State Antony Blinken na nabibigo na ang Russia sa kanilang layunin sa giyera, habang nagtatagumpay na ang Ukraine is succeeding.

Ang pahayag nito, ay kasunod ng kanilang pagbisita kasama ni Defense Secretary Lloyd Austin sa Kyiv para makipagpulong kay President Volodymyr Zelinsky at iba pang Ukrainian officials.

Sa gitna nito, nangako ang naturang mga cabinet secretaries ng bagong tulong na nagkakahalaga ng $713 million para sa gobyerno ni Zelensky at mga bansa sa rehiyon, kung saan tumataas ang takot na ang inavsion ng Russia ay lalo pang lumala.

Bago nito, isinulat na mga mga opisyal ng Ukraine ang mga armas na agarang kinakailangan mula sa United States, na kinabibilangan ng anti-missile systems, anti-aircraft systems, armoured vehicles at mga tanke.

Sa ngayon, bigo parin ang Russia na maagaw ang anumang major city simula ng pagsisimula ng kanilang paglusob noong Feb. 24, at bigo rin makuha ang Kyiv. //MHEL PACIA-TRINIDAD