Lumalabas sa latest independent presidential preference survey ng Pulse Asia na halos walang galawan ang figure nina dating senator Bongbong Marcos at Vice President Leni Robredo, bagama’t nananatiling paring nangunguna ang dating senador, ilang linggo bago ang May 9 elections.
Sa gitna nito, naungusan na ni Senator Manny Pacquiao si Manila Mayor Isko Moreno sa third spot, habang sumunod ang ilang mga kandidato sa single-digit score.
Sa April 16-21 survey, napanatili ni Marcos ang kanyang 56% preference rating, habang malayo si Robredo sa 23% score.

Si Pacquiao ay may 7% rating, habang si Moreno ay nagtala ng 4% score, at si Sen. Ping Lacson ay patuloy na nahuhuli sa 2% score, Ernie Abella (1%), Faisal Mangondato (1%), Leody de Guzman (0.3%), Norberto Gonzales (0.1%), at Jose Monetemayor (0.1%). // MHEL PACIA-TRINIDAD