Comelec en banc, hinarang ang gubernatorial bid ni Mangudadatu sa SulKud

Kinatigan ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni Datu Pax Ali Mangudadatu pagka-gobernador ng Sultan Kudarat, bilang siya ay incumbent na alkalde sa isang bayan sa probinsya ng Maguindanao.

Read More:  BAN Toxics urges removal of unauthorized squishy toys over potential health risks

Ayon sa poll body, bigo si Mangudadatu na magpresenta ng bagong issues na maaring maging basehan para baliktarin ang naunang desisyon.

Si Mangudadatu ay naghain ng kanyang COC noong October 7 sa kabila ng kanyang pagiging incumbent Mayor ng Datu Abdullah Sangki.

Read More:  Sen. Padilla says constitutional loyalty is also ‘wanted’

Dagdag ng poll body, ang claim ni Mangudadatu na siya ay residente ng Sultan Kudarat sa loob ng isang taon at walong buwan ay taliwas mula sa katotohanan. //MHEL PACIA-TRINIDAD