Nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections sa New Bilibid Prison ang negosyanteng si Ferdinand Guerrero, kung saan nakapiit ang mga kapuwa niya akusado na sina Cedric Lee at Simeon Raz.
Si Guerrero, ang isa sa mga hinatulang guilty ng korte sa kasong illegal detention na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro.
Pasado ala una kahapon ng hapon ng sumuko sa NBI ang negosyante.
Nasa Correctional Institution for Women naman sa Mandaluyong City, ang isa pa nilang kasama sa kaso na si Deniece Cornejo
Una rito, naglabas ng hatol ang Taguig Regional Trial Court Branch 153 na guilty ang apat sa kasong serious illegal detention for ransom kung saan hinatulan sila ng reclusion perpetua o hanggang 40 taon sa bilangguan.