Nanindigan ang China na mayroon silang matibay na ebidensyang makapagpapatunay na mayroong isang ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan nila at ng Pilipinas.
Ito ang idiniin ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin matapos ang gagawing imbestigasyon ng Gobyerno ng Pilipinas hinggil sa umano’y ‘phone call’ ng Chinese diplomat.
Sabi ni Wang – ‘factual’ naman daw talaga ang balitang ilalabas ng Chinese Embassy hinggil sa naturang kasunduan.
Matatandaaang ipinanukala ng ilang mambabatas ang expulsion ng mga diplomats na sangkot sa isyu.
Magi-imbestiga rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa isyu, at kinundena pa ng Department of National Defense (DND) at ng National Security Council (NSC) ang isyu dahil kung totoo man daw ito ay labag ang ginawa ng diplomat sa anti-wiretapping law sa Pilipinas.