Feedback mechanism palalakasin ng DepEd Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Department of Education sa Camarines Norte ang mga stakeholder nito na maging tapat sa ibibigay na feedback patungkol sa serbisyo ng opisina partikular sa Division Office.

Ayon kay Division Information Officer Antonio Ahmad, makakatulong ito para ma- improve ang kanilang serbisyo at malaman kung ano ang mga pagkukulang na pwedeng mapunan.

Simula bukas, June 1, ay muling ire-require ang visitor’s pass sa lahat ng mga pumapasok sa Division Office.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Bukod sa security concern ay nais umanong palakasin ng departamento feedback mechanism.

Pagbalik ng visitor’s pass sa guard house ay kailangang mag fill-up at sabihin ang kanilang feedback.

Tiniyak naman ng DepEd ang confidentiality ng isinulat na feedback positibo man o negatibo.

Sa katunayan upang mas maging epektibo aniya ito ay kailangang maging tapat ang mga stakeholder.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

“Ini-encourage natin na maglakas loob sila kasi yun po ay iti-treat natin with whole confidentiality, mawawala kasi yung espiritu ng feedback mechanism pag nawalan or pag hindi siya, wala siyang kaakibat na trust and confidentiality meron lang tayo na mekanismo natin sa ARTA at the same time yung anti-corruption natin na pwedeng makakita nung tungkol sa feedback at hindi ito malalaman nung mga ibang tao kung malaman man ito ng ibang tao process na siya,” ani Ahmad.