PBBM, ipinag-utos ang pagkakaresolba ng ‘vintage’ land cases

Nais maresolba ni Pangulong Bongbong Marcos ang “vintage” land cases.

Sa isang press briefing sa Palasyo, sinabi ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na ito ang marching order ni Marcos – ang ayusin at resolbahin ang mga vintage cases dahil sa paniniwalang ‘justice delayed is justice denied.’

Read More:  Marcos appoints former DILG chief Benhur Abalos as Cabinet Secretary

Inihayag ito ni Estrella matapos din niyang ibunyag na ang issue sa Hacienda Tinang ay naresolba na, kung saan 450 land titles ang nakatakdang ipamahagi sa mga benepisyaryo.

Read More:  PAGASA tracks developing storm with potential to become a super typhoon

Dagdag pa niya, nakatakda rin nilang lagdaan ang resolusyon ng hindi bababa sa 200 pang mga land cases.

Paliwanag ng opisyal, ang mga ito ay vintage cases kung saan karamihan ay nasa 20, 10, 5, at 3-taong gulang nang mga kaso.// SM, edited MHEL PACIA