Business name registration, maaari nang gawin sa mga Negosyo Center – DTI Sorsogon

Maaari nang kumuha o magrehistro ng Business Name sa mga Negosyo Centers sa mga munisipyo sa buong lalawigan.

Ayon kay Meynard Dolontap Jr. ng Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon Business Development Division, lahat kasi ng mga serbisyong ibinibigay ng Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Office ay maaari na ring ma-avail sa mga Negosyo Center ng bawat bayan.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Ang nasabing mga pasilidad ay siya na ring nagsisilbing sangay ng kanilang tanggapan sa mga munisipalidad na pinangangasiwaan naman ng kanilang mga  Business Counselors.

Matatandaan na dati ay sa DTI office lamang dito sa lungsod maaaring magproseso ng kanilang Business Name ang mga negosyante, na malaking abala din lalo na kung nagmula pa sa malayong bayan.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Una rito binanggit ni Dolontap na sa ngayon ay mayroon na silang 15 mga Negosyo Center na matatagpuan sa Sorsogon city at sa lahat ng munisipyo sa buong probinsya.

Samantala, kinumpirma ni Dolontap na humigit kumulang 10K na ang mga rehistradong negosyo sa buong lalawigan kung saan pinakamarami sa mga ito ang mga micro o yaong P3M pababa ang kapital.