FDA, nagbabala sa paggamit ng ivermectin na alternatibo sa tocilizumab vs COVID-19

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pag-gamit ng anti-parasitic drug ivermectin bilang alternatibong gamot laban sa severe cases ng COVID-19 cases.

Ang tocilizumab ay isang anti-inflammatory drug na kasalukuyang ginagamit ng mga dokto sa buong mundo bilang pang-gamot sa severe at critical COVID-19 patients.

Read More:  Cayetano warns of ‘sabotage’ in impeachment process ahead of 2028 elections

Pero giit ni FDA Director General Eric Domingo, wala pang sapat na ebidensya na magpapatunay na nakakatulong ang ivermectin sa alleviating COVID-19 symptoms.

Binigyang diin pa nito na batid naman umano nila ang side effects ng gamot sa utak, sa atay, sa bato, at iba pa, kaya kung hindi naman umano sigurado sa benepisyo, ay talagang hindi nila maipapayo sa mga tao na inumin ang gamot.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Sinabi rin ng opisyal na maging ang United States’ Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay naglabas ng babala laban sa naturang gamot.// MHEL PACIA-TRINIDAD