DOH, experts, di pa nagrerekomenda para sa pagbabakuna sa mga bata vs COVID-19

Nilinaw ng Department of Health na hindi pa sila nagpapalabas maging ang mga eksperto ng rekomendasyon para bakunahan ang mga bata laban sa COVID-19.

Ito ay sa kabila na binigyan na ng emergency use authorization (EUA) ang Moderna shots para sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Dahil dito, pinayuhan ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na hintayin ang ibibigay na appropriate recommendation na ilalabas sa mga susunod na buwan, dahil ito ay mahigpit pa nilang pinag-aaralan.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Sa gitna nito, una nang nagbabala si FDA Director General Eric Domingo ng rare cases ng myocarditis dahil sa Moderna vaccine, na kapareho umano sa ibang mRNA vaccines.

Ayon kay Domingo, ang mga kaso ng myocarditis ay isa lang sa bawat milyon at mas prevalent sa mga lalaking kabataan. // MHEL PACIA-TRINIDAD