FB/Meta Group, sinuspinde ang account ni Atty. Vic Rodriguez

Sinuspinde ng Facebook/Meta Group ang account ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita at chief of staff ng presidential candidate na si Bongbong Marcos.

Ayon kay Rodriguez, na-block ang kanyang account dahil sa pagsuporta umano nito kay BBM.

Sa pahayag, kinundena nito ang umano’y censorship na ginawa sa kanya ng naturang social media giant.

Mababasa sa screenshot na na-share ni Rodriguez na suspendido ang kanyang account sa loob ng 30 araw.

Ito ay sa kadahilanang paglabag ng spokesperson sa community standards ng Facebook.

Hindi naman tinukoy ni Rodriguez kung anong partikular na activity o post ang na-flag ng Facebook.

Ngayong tanghali ay bumalik na rin ang kanyang account matapos ang nakatakda sanang 30-day suspension dito.
#