Magkahalong pagkadismaya at awa sa mga sarili ang sinapit ng 2 riders sa lungsod ng Puerto Princesa kagabi, January 28, 2022.
Matapos kasing umorder ang isang kliyente ay hindi umano sila binayaran.
Ayon sa rider na si Ed Lourence Salazar, maraming inorder ang hindi pinangalanang kliyente na ayon rito ay walang mai-pambayad sa mga item na kinuha.
” Opo kasi ang dami nya pong order hinde man lang po kami binayaran…Ang tagal pa po namin nag hintay, mga 1hour lang din po” -Lourence
“Kaya nga po sir. Di naawa sa effort namin kahit basa kami s ulan . Naisipan nya pang mag fake booking…Tapus nung sinabi namin na andun na kami s location nya sabi nya sa txt nasa irawan na daw sya. Kaya sabi namin scam un.”- Isabel
Samantala, isang Pat Aquino ang nagmagandang loob para maibenta ang mga hindi binayarang item ng dalawang rider na walang delivery fee at charges.