Failure of Bidding sa fuel, sanhi ng matagal na brownout sa Cuyo

Ipinaliwanag ng Lokal na pamahalaan ang totong sanhi ng matagal na brownout sa munisipyo ng Cuyo at Magsaysay, Palawan.

Ayon kay Cuyo Mayor Mark Delos Reyes, nagkaroon kasi ng “Failure of Bidding” ang contractor na magsu-suplay sana ng fuel sa dalawang munisipyo, ayon sa National Power Corporation.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Simula hating gabi kanina ay nag- brownout na sa munisipyo na magtatagal hanggang alas-dose ng tanghali kaya magiging kalahating araw lang ang transaksyon sa munisipyo kapag naibalik ang kuryente.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Gayunpaman, inaasahan na sa susunod na Linggo ay makakarating na ang biniling fuel sa Manila upang hindi na tumagal ang nararanasang brownout sa munisipyo.