Arestado ang isang 62 anyos na amain sa reklamong panggagahasa sa stepdaughter mula sa Barangay Binduyan, Puerto Princesa City.
Kinilala ang suspek na si Tranquilino Israel Dulce ng Sitio Iratag Brgy. Binduyan na hinuli ng operatiba ng Police Station 2 sa Barangay Irawan bandang alas-onse ng umaga kanina.
Ang suspek ay Top 5 Most Wanted sa Puerto dahil sa kasong Rape ( 2 Counts ) at Lasciviousness.
Napag-alaman ng Brigada na inireklamo ang suspek ng dati ay katorse anyos na step daughter sa kanilang tinitirhan noon sa Barangay Binduyan.
Samantala, nasa kustodiya ng PS2 ang akusado na nahaharap sa habambuhay na pagkabilanggo.