F2F classes sa ilang paaralan sa Albay, suspendido pa rin dahil sa mataas na heat index

LEGAZPI CITY – Suspendido pa rin ngayong araw ang on-site o face-to-face classes sa mga paaralan sa Albay dahil sa naitatalang mataas na heat index.

Sa tala kasi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng umabot pa sa 43 degrees Celsius ang heat index sa lungsod ng Legazpi City na nasa kategoryang danger.

Dahil dito, ang mga paaralan ay inaabisuhang magsagawa ng online at modular learning habang nasa kanya-kanyang tahanan.

Samantala, sa munisipyo ng Malinao, nagpatupad ng early learning sessions sa pre-school, elementary at high schools mula alas 7 hanggang alas 11 ng umaga, at pagsapit ng hapon, ipapatupad ang modular learning.

Paalala naman ng bawat lokal na pamahalaan na maging alerto at manatili sa loob ng bahay kung wala namang importanteng lakad upang makaiwas sa anumang heat-related illnesses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *