Tatlong mga kalalakihan tiklop sa isinasagawang Buy bust Operation

TIKLO ang tatlong kalalakihan na tinaguriang Street Level Individual (SLI) sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok Mangga 2B, Brgy.Poblacion 1, Lebak Sultan Kudrat.

Mayo 1, 2024 Kinilala ni PLTCOL. William Facsoy Jr., hepe ng Lebak MPS, ang mga suspek na sina alyas “Devdev”, 18 anyos, studyante, binata, na residente ng Purok Mangga 2B, Brgy.Poblacion 1, Lebak Sultan Kudarat, alyas “Ricric”, 29 anyos, binata, construction worker at si alyas “Kap”, 27 anyos, binata, construction worker, ang dalawa ay pawang resedente ng Purok Pomelo, Brgy.Barurao 1, Lebak Sultan Kudarat.

Naging matagumpay ang isinagawang operasyon ng Lebak Municipal Police Station, nasabat mula sa mga suspek ang isang (1) maliit na sachet ng pinaghihinalaang shabu (bilang buy-bust item) at Php 500 bill na ginamit sa nasabing operasyon.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang mga hakbang ng Lebak MPS ay ang pagsuporta sa programa ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pakikipaglaban sa ilegal na droga, upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng ating komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *