Economist lawmaker, inilatag ang mga hakbang sa Pangulo para matugunan ang inflation

Nagrekumenda si House Ways and Means Committee chairperson Albay Rep. Joey Salceda kay Pangulong Bongbong Marcos na mag-isyu ng ilang mga executive at administrative orders para matugunan ang patuloy na pagbilis ng inflation rate, ‘o ‘yung pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Sa isang memo na ipinadala ni Salceda kay Marcos na pinamagatang ‘Food, Feed, and Fuel: Analysis and Recommendations on the September 2022 Inflation Rate’, inilatag ang ilang mga pamamaraan para maibsan ang epekto’t implikasyon ng inflation.

Para sa pagkain, inirekumenda ang ilang mga EOs para sa pag-iimbentaryo ng mga lahat ng nabili at available ng mga financial material resources para sa agrikultura; EO para matiyak na ang bottleneck sa supply ng pagkain at mga farm producers ay maiibsan; AO na inaatasan ang mga LGUs na alisin ang lahat ng mga balakid sa farm-to-market routes; AO para tiyakin ng DOTr ang maayos na takbo ng mga nautical routes; EO para sa mga paaralan at barangay na magkaroon ng ‘community edible gardening programs’; pati na rin ang pagsasagawa ng mga food processing at storage trainings para sa mga magsasaka; at iminungkahi rin ang pagbuhay sa vermiculture para sa mga animal feeds.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Para naman sa mga feeds o patuka at imported products, inirekumenda ang pagbaba sa taripa sa imported na mais sa 5%; at taasan ang kasalukuyang 150,000 MT na importation para sa refined sugar – basta’t daraan sa sapat na auction.

Para naman sa energy resources, dapat aniyang tiyakin na sapat ang mapo-produce na enerhiya ng mga hydropower dams sa pamamagitan ng desilting; pagpapataas sa produksyon ng domestic coal; pag-iisyu ng EO para malpabilis ang pagbibigay ng permits sa mga renewable energies; at pag-amyenda sa implementing rules and regulation o IRR sa Renewable Energy Law para alisin ang restriction sa foreign ownership.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Nagbabala rin ito na kung magpapatuloy ang mataas na presyo ng bilihin, maaari itong magresulta sa smuggling ng mga produkto kagaya na lamang ng tobacco products, fuel, at gulay.

Kahapon nang iulat ng Philippine Statistics Authority na sumipa pa sa 6.9% ang inflation sa Setyembre – mula sa 6.3% nitong Agosto.

Ito na ang pinakamataas na inflation mula pa noong October 2018 at malapit na sa record-high inflation na 7.2% na naitala noong Pebrero taong 2009.
#

RELATED STORIES:

Inflation rate ngayong Setyembre, lalo pang lumala at bumilis sa 6.9%