NAGA CITY- Extended ang Modified Enhanced Community Quarantine sa Naga City hanggang sa Hulyo 15, 2021.
Ayon kay Mayor Nelson Legacion, papalawigin din ang protocols na ipinapatupad mula Hunyo 15 o ang Executive Order 2021-014. Kahit na aniya ayaw na nito ng LGU kailangan pa ring ipasunod ang guidelines ng National Government.
Kaya naman para sa mga Nagueño, dagdag pasakit ito ngayong pandemya lalo pa sa mga non-essential workers, mga driver at iba pa.
Para sa mga negosyante sa Naga City People’s Mall, extended din ang kanilang mahinang benta. Kahit kase sapat ang supply ng gulay, karne at iba pang pangunahing pangangailangan kulang ang mga mamimili dahil sa limitadong pag-galaw.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Market Superintendent Mon Florendo, ibinahagi nitong umaaray din ang mga nasa karenderya, pati mga nasa parlor shops, ukay-ukay section, at general merchandise na hindi essential.
Payo naman ni Florendo, bukas pa ang business stimulus program ng LGU na maaring maka utang ang na luging negosyante.
Pakiusap din ng market superintendent para sa kaligtasan ng mga negosyante at mamimili pagaling isuot ang facemask at mag social distance.