Insentibo ng mga medalist ng Koronadal sa SRAA 2023, ibibigay ngayong araw!

KORONADAL CITY- MATATANGGAP na ng mahigit 200 mga atleta ng Koronadal City kasama ng kanilang mga coaches ang kanilang mga cash incentives awards mula sa City Government ng Koronadal ngayong araw matapos ang mahigit dalawang buwan na pag-aantay.

Ito ang inihayag ni City Councilor Ma. Ester Marin Catorce, chairperson ng Committee on Education ng Sangguniang Panlungsod ng Koronadal sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon kay Catorce, alas-11 ngayong umaga ang releasing ng nasabing cash incentives awards para sa mga atleta ng lungsod na nanalo sa ginanap na SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA Meet 2023.

Dagdag pa ni Catorce, na makakatanggap ng P3,000 ang mga gold medalist, P2,000 sa mga silver medalist at P1,000 sa mga nakakuha ng broze medal.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Napag-alaman na antalana umano ang nasabing pagbibigay ng insentibo dahil hinanapan pa ito ng pondo.

Paalala naman ng opisyal na requirements sa nasabing releasing ang isang valid ID o school ID ng mga atleta.