Ex. Press. Duterte pinapatawag ng piskalya kaugnay sa grave threats

Maghaharap sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at ACT Teacher partylist congresswoman France Castro sa Quezon City Prosecutor’s Office kaugnay sa umano’y pagbabanta ni Duterte sa buhay ni Castro.

Sa subpoena ng Quezon City prosecutor office, inaatasang humarap si Duterte sa imbestigasyon sa reklamong inihain ng mambabatas sa December 4 at 11 2023.

Pinagsusumite din ng QC prosecutor office si Duterte ng kanyang counter affidavit.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ito ang kauna-unahang subpoena ng dating pangulo mula nang bumaba siya sa puwesto.

Nag-ugat ang reklamo matapos lumabas ang mga pahayag ni Duterte sa isang TV network noong Oktubre 11.

Dumepensa noon ang dating pangulo kasunod ng hindi pag-apruba ng Kamara sa confidential fund ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Sinabi noon ni Duterte na dapat ang unang target sa Intelligence Fund ay ang mga komunista na gusto niyang patayin.

Pero depensa ng dating legal counsel at spokesperson ni Duterte ni si atty. Salvador Panelo, wala namang sinabing pagbabanta ang dating pangulo at hindi naman nito binanggit ang pangalan ng kongresista.

Nanindigan naman si Castro na siya ang tinutukoy ni Duterte.