Tatlong araw na tigil-pasada ng grupong PISTON kasado na sa Lunes

Kasado na sa Lunes, Nobyembre 20, 2023 ang malawakang tigil pasada ng grupong PISTON bilang pagtutol sa nalalapit na deadline para bumuo ng kooperatiba sa ilalim ng PUV modernization program.

Tinatayang nasa 100,000 na jeepney ang lalahok umano sa nasabing nation wide strike.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Sa Metro Manila 40 na ruta ang posibleng mawalan ng masasakyang jeepney.

Kabilang dito ang Monumento, Baclaran, Katipunan, Novaliches, at Commonwealth.

Base sa datos mahigit tatlo na lamang sa bawat tradisyunal jeepney ang hindi nakakapag consolidate at kung hindi masimulan ang proseso hanggang December 31, wala ng bisa ang prangkisa nila sa Januanry 1.

Read More:  Trump to visit Philippines for ASEAN summit in November

Sinabi  ng Land Transportation Office na sisikapin nilang makahikayat ng mas maraming jeepney na magmodernized para hindi malaki ang mababawas sa mga sasakyan ng mga komuter.