Ex Press. Duterte hindi dumating sa preliminary investigation

Hindi dumating si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa itinakdang preliminary investigation sa reklamong grave threats na inihain ni ACT Party-list Rep. France Castro.

Tanging mga abogado lang ng dating pangulo ang humarap sa Quezon City prosecutor office dahil hindi pa umano natatanggap ni Duterte subpoena mula sa public prosecutor.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Nag-ugat ang reklamo sa pagbabanta umano ni Duterte sa Kongresista sa kanyang programa.

Kasunod niyan naghain ng suplimental affidavit si Castro para sa panibagong reklamo kaugnay sa pagbabanta muli ni Duterte sa kanyang TV program noong November 16.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Hanggang December 15 naman ang ibinigay na palugid kay Duterte upang maghain ng counter affidavit upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanyan.