PCG, tiniyak na tuloy ang pagpatrolya sa WPS

Tiniyak ng Philippine Coast Guard na hindi magpapatinag ang Pilipinas sa mala great wall of Chinese Militias sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Ang 135 na barko ng China na tila bakod na inihelera sa Julian Felipe Reef ay hindi makakapigil sa pagpapatrolya ng PCG.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Sinabi ng National Security Council nakapark lang ang mga barko at walang tao at nag-ooperate sa loob nito.

Ayon kay National Security Council Asst. Dir. Gen. Jonathan Malaya hindi maganda ang ipinapahiwatig ng China dahil nais nitong sabihin sa lahat na sa kanila ang pinag-aagawang teritoryo bagay na tutulan ng Pilipinas.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Kaya bilang tugon sa mala great wall of Chinese Militias ng China nagdeploy ang PCG ng mga karagdagan tauhan upang magpatrolya sa exclusive economic zone ng bansa.