VP Sara pinagkokomento ng Korte Suprema kaugnay ng P125M CF ng OVP

Pinakokomento ng Korte Suprema si Vice President Sara Duterte sa petisyon kaugnay ng legalidad ng P125 milyon confidential funds na ginastos ng Office of the Vice President.

Kabilang din sa inatasan na magkomento ng Korte Suprema sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Giit ng mga petitioner na labag sa batas ang paglipat ng pondo sa OVP mula sa Office of the President.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Gusto rin nilang atasan ang Korte ng OVP na ibalik sa kaban ng bayan ang nagastos na pera.