Ex-PCSO GM Garma – idiniin sa pagpatay sa isang board member

Tahasang itinuro si dating General Manager Royina Garma bilang mastermind sa pagpatay sa dating board secretary ng Philippine Charity Sweepstakes Office na si Atty. Wesley Barayuga na sinasabing may alam sa nangyayaring katiwalian sa ahensya.

Sa pagdinig ng House Quad Committee, humarap ang mga testigo na sina Police Lt. Col. Santie Mendoza at dating Corporal Nelson Mariano upang idiin si Garma na siya umanong nag-utos na ipapatay si Barayuga.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Batay sa affidavit ni Mendoza, tinawagan siya ni NAPOLCOM Commissioner Col. Edilberto Leonardo noong October 2019 upang alukin ng “special project” kung saan ipapapatay si Barayuga na umano’y high-value target at sangkot sa ilegal na droga.

May hawak aniya na intelligence report si Garma kaya hindi na kailangang beripikahin at siya na rin umano ang nagbigay ng service vehicle na gagamitin ni Barayuga upang madali siyang matukoy ni “Loloy”.

Si Mariano ang sinasabing naghanap ng hitman na nakilala lamang sa alyas na “Loloy” at naisakatuparan ang pagpatay noong July 30, 2020 malapit sa opisina ng PCSO sa Mandaluyong.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Matapos ang pagpatay kay Barayuga ay muli umanong tumawag si Leonardo para ipabatid na mayroong iaabot ang “bata” ni Garma na si alyas “Toks” mula sa CIDG na nagkakahalaga ng 300,000 pesos bilang kabayaran sa operasyon.

Ngunit iginiit ni Mendoza na 40,000 pesos lamang ang nakarating na halaga sa kanya.